Linggo, Abril 8, 2012
Di makatulog
1:53 na ng umaga. hindi pa din ako makatulog. palibhasa natulog kasi ako kaninang hapon. tanghali na nga nagising, natulog pa ng hapon. ang init naman kasi kaya nakakaantok. ayan tuloy, zombie ang labas ko.haaaayyyzzz kaninang mga 11 parang inaantok na ako, sinubukan kong humiga at matulog. pero walang silbi, nauwi lang sa pag tayo at pag bukas ulit ng PC. tapos na realize ko di nga pala ako kumain ng dinner, kaya napa prito pa ako ng manok. sakto may kanin pa. ang problema kulang na pala ung mantika, kaya nag tiyaga na lang ako sa kakarampot na mantika. ayun, nasunog ung manok, umusok ang buong bahay. nagising pa tuloy si mommy, kala niya nasusunog na ung bahay.hahaha saya din pala mag ka blog, first time ko to, testing lang. baka sakaling may future ako sa writing. wala naman masama diba. type type, kung ano maisip cge lang habang nakatutok nag electric fan sa liko at naka harap sa keyboard at bukas na monitor. nakakatawa pa, naka headset ako kahit wala naman music.hahaha nanonood kasi ako ng naruto kanina. kaso di ko na masundan ung story, ang layo na ng story sa mangga sa anime. di ko na maenjoy. natatawa tuloy ako. pag tapos ne2 ttry ko ulit matulog. sana.. sana makatulog na tlga ako!hahayz naman! kagabi nga pala nakalimutan ko ung motor ko sa labas. naku inabot ng madaling araw. buti hindi nanakaw! baka mabaliw ako pag nanakaw motor ko. kaisa isa na nga lang mawawala pa dahil sa katangahan ko. salamat sa dios at mukhang nag bakasyon ung mga mag nanakaw at walang gumalaw.hehe swerte pa din kahit papano. promise ko sa sarili ko na 1st and last time na mang yayari ung maiiwan ko motor ko sa labas ng gate. salamat nalang tlga. salamat talga.hahayz
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento