Martes, Hunyo 11, 2013

kelangan na maligo

heto nanaman po tayo, napag tripan lang ulit buksan at mag lagay ng kahit anong wlang katuturan.haha kaka uwi ko lang kanina galing sa trabaho, wala pa din survey kalahating buwan na.haha kelangan ko na tulungan ang team. ang baba na e, baka mabuwag kami (sabi sa bulong-bulongan) so hopefully may mag survey naman sa dami ng tinulungan (sana). bad news! tinanggal na daw ung WTR na bonus namin, yung mag kaka P2500 ka pag 75 and above ang score mo for the month, aray! bad news! naging 2 ang absents ko instead of one lang, at dahil dun di na ako eligible for team at site bonus, P2500 + team bonus din un. aray! bad news! ang taas ng 7 day repeat ko nung nakaraan, 30% na ata ngaun? at dahil 2 absent ko asa pa ako sa schedule adherance. so most likely bbye KPI! aray! bad news! talo ako sa pustahan ng game ng miami at spurs! 1k din! balak ko pa kasi mang gulang, kala ko homecourt na ng spurs, miami pa pala. badtrip tlga! aray! badtrip puro bad news! wala bang good news man lang? buhay nga naman! nakakatamad tuloy pumasok ang mag pa survey. babuyin ko kaya lahat ng calls ko para malaman nila kung pano mag gago ang isang top agent?haha pa pansin effect lang para makita nila ang pwedeng gawin ng isang agent na wala nang pag asa maka kuha ng bonus pag ginago nila?haha anyway ilang months na akong top agent, di naman siguro masama ilag lag ko to ngaun diba?hehe pero di muna, tingnan natin kung ano gagawin ni boss, pag inako nya pag kaka mali nya at gumawa xa ng paraan, di na nya kelangan mag dalawang sabi sakin mai angat lang ung team. pero kung hindi? good bye june sila sakin. bawi sa july.hahaha nakita ko na nga pala ung SLR na gusto ko bilhin. Pentax K-30, grabe! na inlove ako! parang babae na gusto ko tignan araw araw. tila isang dilag na gusto ko makita kada segundo, parang isang katawan ng babae na gustong gusto ko hawakan at masalat. grabe. paano kaya ako makaka ipon ng P31k. di ko na tlga alam, kelangan ko pa pala bumili ng sapatos ko.hay Lord! help! gusto ko tlga un! pero paano? nga nga ako.hahayz oh siya siya dito na lang muna ulit, kelangan ko na maligo at matulog para may lakas ako mamaya mag trabaho. kelangan ko pa naman humakot ng sang ka tutak na survey matulungan lang ang team. puro bad news! walang good news! walang insipiration para pumasok. nakakatamad. konti na lang mapupundi na. ang apoy sa kandila.

Miyerkules, Marso 6, 2013

Pagbabago.. ano nga ba? hmmm may trabaho na ako, sa teleperformance sa may pasig, sa octagon building at.. at.. at.. AT&T ang account ko. ung pinaka malaking mobility company sa U.S, tama ba?haha ayun nga, kami nag didiscuss sa mga bills nila, kung may sira, try ayusin, sumasagot ng mga tanong at kung ano ano pa! ok lang din naman, masaya kasi parang barkada ko na din ung mga ka work ko. parang nag lalaro lang pero sumesweldo. hirap nga lang ako sa byahe at sa oras ng pasok. graveyard kasi e. 3am-12pm! ang hira gumising!haha ayun laging late, nakakatamad pa.dami ko tuloy log-out, baba tuloy ng sinweldo ko nitong cutoff,haha pero ok lang, di naman ako stress, at ok naman ang mga scores ko ngaun. may technique kasi akong ginagawa, budol budol din.haha work smart not work hard ika nga.haha kanina nga pala bday ni jodi,pinapapunta ako at di na daw kami mag kikita ulit kasi uwi na xa ng probinsya kasi mag tuturo na xa dun. e tinatamad naman ako kasi ito lang ung araw na makakapag pahinga tlga ako.although sa friday and sat e aabsent ako kasi bday ni allen. balak ko nga mag enchanted kami e kahit na ang baba lang ng sinweldo ko.hmmm pro mukhang exciting un.haha ayaw ko ng swimming kasi mangi2tim lang ako. enchanted na lang tlga. at habang ginagawa ko to naalala ko bigla ung box ni kuya ramil.haha bigay ko na kaya ngaun? bukas na lang nakasara na ung pinto at gate e.nakaktamad. ung ilaw sa labas nasira ata ung kabitan ng bulb.binahayan kasi ng ensekto.papalitan ko pa un bukas para hndi madilim sa labas. at habang gngawa ko ulit to. napa ubo ako! hay badtrip na sipon at ubo. nag sabay buti hindi nauwi sa trankaso.hehe swerte pa din kahit papano. sipon wala na ata. ubo na lang, may iniinom naman ako na gamot.ung solmux. effective naman kasi naging maluwag ung pag ubo ko at lumalabas na ung plema. tumawag si gf,kaka palod lang daw nya kasi reg load lang pala ung naload sa knya kagabi. lagi na lang.zzzzzz cge hanggang dito na lang muna. babu!

Linggo, Abril 8, 2012

Di makatulog

1:53 na ng umaga. hindi pa din ako makatulog. palibhasa natulog kasi ako kaninang hapon. tanghali na nga nagising, natulog pa ng hapon. ang init naman kasi kaya nakakaantok. ayan tuloy, zombie ang labas ko.haaaayyyzzz kaninang mga 11 parang inaantok na ako, sinubukan kong humiga at matulog. pero walang silbi, nauwi lang sa pag tayo at pag bukas ulit ng PC. tapos na realize ko di nga pala ako kumain ng dinner, kaya napa prito pa ako ng manok. sakto may kanin pa. ang problema kulang na pala ung mantika, kaya nag tiyaga na lang ako sa kakarampot na mantika. ayun, nasunog ung manok, umusok ang buong bahay. nagising pa tuloy si mommy, kala niya nasusunog na ung bahay.hahaha saya din pala mag ka blog, first time ko to, testing lang. baka sakaling may future ako sa writing. wala naman masama diba. type type, kung ano maisip cge lang habang nakatutok nag electric fan sa liko at naka harap sa keyboard at bukas na monitor. nakakatawa pa, naka headset ako kahit wala naman music.hahaha nanonood kasi ako ng naruto kanina. kaso di ko na masundan ung story, ang layo na ng story sa mangga sa anime. di ko na maenjoy. natatawa tuloy ako. pag tapos ne2 ttry ko ulit matulog. sana.. sana makatulog na tlga ako!hahayz naman! kagabi nga pala nakalimutan ko ung motor ko sa labas. naku inabot ng madaling araw. buti hindi nanakaw! baka mabaliw ako pag nanakaw motor ko. kaisa isa na nga lang mawawala pa dahil sa katangahan ko. salamat sa dios at mukhang nag bakasyon ung mga mag nanakaw at walang gumalaw.hehe swerte pa din kahit papano. promise ko sa sarili ko na 1st and last time na mang yayari ung maiiwan ko motor ko sa labas ng gate. salamat nalang tlga. salamat talga.hahayz